
"Odox", "Isaw", Calamares, mga pangkaraniwang pinakapaboritong merienda ng mga Pinoy, pang-pulutan man o munting panawid gutom tiyak panalo ito sa kung sino man ang makakatikim nito.
Konting saw-saw at babad sa suka at asin lang ang katapat tiyak solb ka at ang mga kasama mo, tiyakin lang na huwag mapasobra kung ayaw mong ma-high blood.
Tunay na nakakabilib ang galing ng mga Pilipino ang kanilang diskarteng maghanap-buhay ay bukod tangi, at dito lang sa ating bansa makikita, sino ba naman ang mag-aakalang ang mga tira-tirang parte ng baboy at manok ay mapakikinabangan pa tulad ng "Isaw"( chicken intestines) at "Adidas( chicken feet )".
Dito ko napatunayan na kaya ng Pilipino ang umasenso at magsumikap sa isang maginhawang buhay na wala ang tulong ng Gobyerno, paano pa kaya kung mayroon silang naitutulong sa mga Pilipino upang mapadali ang kanilang pagha-hanap buhay, malamang matagal nang umasenso ang bayan natin.


2 comments:
Nakakamiss - pero ever since nagkasakit ako dahil sa fishball-an sa tapat ng Monti nung hi-skul, never na ulit akong bumili ng ganyan sa kalye.
Sumunod na lang ulit nuong nagpunta kami sa UP - puro isaw lang ang kinain ko.
Tapos regular ngayon sa PotDog sa mall. Sosyal!!! hahaha
haha masarap nakakagutom yummm. ilang beses na ako naospital gawa nyan hahaha aray ko
Post a Comment